IQNA

Ilang 2,000 na Dadalo sa Paligsahan ng Qur’an sa Mauritania

11:16 - March 13, 2022
News ID: 3003853
TEHRAN (IQNA) –Ang Radyo Mauritania nagbalak na magsaayos ng paligsahan sa pagsasaulo at pagbigkas ng Qur’an.

Mayroon 2,000 na mga indibidwal ang inaasahang lalahok sa paunang yugto ng paligsahan, iniulat ng website ng al-Akhbar.info.

Apat na espesyal na mga komite na binubuo ng matataas na dalubhasa sa Qur’an at mga qari ng bansa ang magsisilbing mga lupon ng mga hukom.

Ang huling yugto ay nakatakdang magsimula sa unang araw ng banal na buwan ng Ramadan (Abril).

Ipapalabas iyon sa apat na tsanel sa TV, kabilang ang al-Wataniya, al-Sahel at Shanqit.

Animnapu't tatlong nangungunang mga nagwagi sa iba't ibang mga kategorya ang pagkakalooban ng mga premyong salapi sa pagtatapos ng paligsahan.

Ang Islamikong Republika ng Mauritania ay isang bansa sa rehiyon ng Maghreb sa kanlurang Hilagang Aprika.

Ang populasyon ng bansa ay tinatayang humigit-kumulang 4 na milyon at halos lahat ng mga Mauritaniano ay mga Muslim.

Ang mga aktibidad at mga palatunan ng Qur’an ay napakatanyag sa bansang Aprika.

 

 

3478131

captcha