IQNA

Libreng App na Pang-Qur’an sa Ramadan na Inilabas sa Palestine

9:25 - March 17, 2022
News ID: 3003872
TEHRAN (IQNA) – Isang app na Pang-Qur’aniko na sumusuporta ng maraming mga wika ay ginawang magamit para dawnlod sa Palestine bago ang banal na buwan ng Ramadan.

Ang applikasyon ng Dakilang Qur’an 2022 ay binuo sa pamagitan ng isang kuponan ng mga dalubhasa sa kompiyuter na Palestino at maaaring madawnlod nang libre, iniulat ng website ng Pal.today.ps.

Ito ay magagamit para sa parehong Android at iPhone, alinsunod sa ulat.

Madaling maitala ng mga gumagamit ang kanilang paboritong mga pagbigkas ng Qur’an mula sa Radyo Qur’an at mag-dawnlod ng mga pagbigkas sa bawat qari.

Maaari din silang maghanap ng mga qari, mga Surah at mga talata at gamitin ang mga ito sa 15 na mga wika.

Dinisenyo din iyon para madaling magamit iyon ng may kapansanan sa paningin.

Maaaring i-dawnlod ang app dito.

Ang Ramadan (na alin taglagas sa Abril ngayong taon) ay ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islamiko. Iyon ay panahon ng pagdarasal, pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa at pananagutan sa sarili para sa mga Muslim sa buong mundo.

Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-aayuno (umiiwas sa mga pagkain at inumin) mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

Naglalaan din sila ng maraming oras sa buwang ito sa pagbabasa at pagninilay-nilay sa Qur’an.

 

 

3478190

captcha